Uniporme sa UP
Opinyon: Nararapat lang na walang uniporme sa UP.
A. Pinahahalagahan ng unibersidad ang pagkakaroon ng kalayaan.
B. Nais ng UP na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang mga mag-aaral nito.
C. Ang ibang mag-aaral ay walang pambili ng uniporme, masakit mang aminin.
Application process ng mga ORG sa UP
Opinyon: Sa ganitong paraan ka mas nakikilala ng organisasyong iyong nais salihan.
A. Dito tinitignan kung seryoso ka sa iyong ginagawa.
B. Makikita rin kung marunong kang maghawak ng oras.
C. Bukod sa mga ito, titignan din kung kakayanin mo ang bigat ng trabahong ipapatong sa iyong mga balikat.
Gupit ng Buhok sa UP
Opinyon: Dapat lang na walang “haircut rule” na sinusunod sa UP.
A. Matanda at may sariling isip na ang mga mag-aaral. Bagkus, alam na nila kung ano’ng bagay para sa kanila.
B. Para sa marami, ang ayos ng buhok ay nagpapakita ng pagkatao ng isang indibidwal.
C. Minsan, kasama sa relihiyon ang ayos ng buhok.
Mga Batang Kalye sa UP
Opinyon: Kailangan na silang paalisin dahil nakakagulo na sila.
A. Nakakainis na dahil hingi sila ng hingi.
B. Kapag lumapit sa’yo ang isa, asahan mong lalapit na lahat.
C. Hindi lang nila basta hinihingi ang bagay na gusto nila, dinudutdot din kadalasan.
UP Library
Opinyon: Dapat nang ipaayos at linisin ang silid-aklatan ng UP.
A. Napakarami nang sapot ng gagamba.
B. Nakakabahing na ang kapal ng alikabok sa mga libro.
C. Wala pang kuryente sa Main Library.
Mga Mag-aaral sa UP
Opinyon: Kakaiba at nakakatuwa ang mga mag-aaral sa UP.
A. Kapag pumapasok ang mga taga-UP, karamiha’y naka-pambahay lang.
B. Wala silang pakialam sa estilo mo ng pamumuhay.
C. Hanggang sa dyip, nag-aaral pa rin sila.
Manny Pacquiao
Opinyon: Marami na siyang natulungan gamit ang kanyang kayamanan.
A. Nagpatayo siya ng ospital sa Gen. San.
B. Mayroon na siyang foundation para sa mga mahihirap.
C. Binigyan niya ng Fortuner ang mahirap niyang ama.
Edukasyon sa Pilipinas
Opinyon: Ito ang dapat unahing paunlarin ng gobyerno.
A. Sa Edukasyon nakasalalay ang pag-usad ng buhay ng isang tao.
B. Sa pamamagitan ng edukasyon malalaman ng isang indibidwal ang tama at mali.
C. Kung ang lahat ay edukado, madaling uusad ang bansa sapagkat alam na ng karamihan kung ano ang kailangan ng bansa para tuluyang umunlad.
People Power
Opinyon: Ang People Power ay isang maganda at lehitimong ahente ng pagbabago sa ating bansa.
A. Suportado ng “sovereignty” ang People Power.
B. Dito nagkaisa ang buong Pilipinas upang tutulan ang naghaharing kasamaan.
C. Ang People Power ay binuo upang labanan ang pagiging abusado ng mga nakatataas at ang korupsyon.
Hostage Taking
Opinyon: Malaki ang nagging epekto nito sa pulitikal na sektor at turismo ng Pilipinas.
A. Napakitang hindi handa ang ating mga awtoridad sa panahon ng matinding sakuna.
B. Bababa ang turismo ng Pilipinas dahil sa takot ng mga turistang ma-hostage rin.
C. Nilagay ng Hong Kong ang Pilipinas sa kanilang “Black list.”
South Korea
Opinyon: Ito na ang isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa Asya ngayon.
A. Moderno at sadyang napakaganda na ng Seoul.
B. Mataas at balance ang kanilang ekonomiya.
C. Tinagurian na itong isang “First World Country.”
12 Years Elementary at High School
Opinyon: Pabor ako sa 12 years na elementarya’t haiskul.
A. Hindi na mahihirapang humanap ng trabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy.
B. Basta baguhin nila ang curriculum, sang-ayon ako.
C. Alam na ng isang indibidwal ang kanyang tatahaking landas sa buhay pagkatapos ng haiskul.
Katapusan ng Mundo sa 2012
Opinyon: Sa aking palagay magugunaw na talaga ang mundo pagpatak ng 2012.
A. Aktibo ang mga bulkan sa “Ring of Fire.”
B. Natutunaw na ang yelo sa Antartika dahil sa global warming.
C. Napakaraming giyera’t rayot ang nagaganap sa iba’t ibang sulok ng mundo.
Pilipinas Bilang Gambling Capital of the World
Opinyon: Sa nakikita ko ngayon, maaari nang tawaging gambling capital of the world ang Pinas.
A. Kahit saan, ultimo sa masisikip na eskinita, nagsusugal ang mga tao.
B. Nariyan din ang Jueteng.
C. Kung bawal magsugal, bakit mayroong PAGCOR?
Ondoy
Opinyon: Ang Ondoy ay isang senyales na nagsasabing dapat nang magbagong buhay ang mga tao.
A. Hindi na dapat magtapon ng basura kung saan-saan.
B. Magtanim ng mga puno upang maibsan ang pagbabaha at ang mga landslide.
C. Pahalagahan at magpasalamat para sa kung ano mayroon ka ngayon.
Reproductive Health Bill
Opinyon: Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng RH Bill.
A. Wala nang makain ang karamihan sa mga tao sa Pilipinas, kaya dapat lang na magkaroon na ng birth control.
B. Overpopulated na ang Pilipinas.
C. Hindi naman lumalabag sa anumang batas ang RH Bill; nais lamang nitong disiplinahin ang mga tao.
Kompyuter: Kaibigan o Kaaway?
Opinyon: Napapabayaan na ng mga bata ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter.
A. Sa halip na pumasok, nagbababad sa internet café ang mga bata.
B. Hindi na marinong magsulat ang kabataan, dahil ang alam na lang ay mag copy-paste at kumopya ng gawa ng iba.
C. Batay sa isang pagsusuring ginawa, hindi na gumagana ng tama ang utak ng mga batang adik sa kompyuter.
Rabies
Opinyon: Dapat alisin ang mga aso sa kalsada.
A. Maraming nakakagat na taong dumadaan.
B. Nagiging banyo ang kalsada.
C. Mahal na ang anti-rabies.
Opinyon: Magandang lugar ito kung nais mong i-market ang iyong sarili.
A. Napakaraming tao-kakilala man o hindi- ang nakakakita sa’yo.
B. Madaling i-access ang Facebook.
C. Maaaring magpost ng kahit ano- maging video man o larawan.
Pagsusulat
Opinyon: Mahirap ang pagsusulat.
A. Kailangang makuha mo ang atensyon ng mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga salita.
B. Piling-pili ang mga salitang dapat mong gamitin kung gusto mong hindi tamarin ang iyong mambabasa.
C. Dapat malinaw ang iyong mensahe.
Katabaan
Opinyon: madali lang labanan ang katabaan.
A. Kaunti lang ang kainin sa gabi.
B. Iwasan ang pagkain ng sitsirya.
C. Mag-ehersisyo araw-araw.
Simbahang Katoliko
Opinyon: Masyadong “overacting” ang Simbahan sa isyu ng pagpapatupad sa RH Bill.
A. Gusto nitong ekskomunikahin si Noynoy.
B. Nais rin nitong ekskomunikahin ang isa pang taong nakakulong ngayon dahil sa pagsang-ayon sa RH Bill.
C. Hindi nakikita ng Simbahan kung gaano kalaking tulong ang RH Bill para sa mga naghihirap na Pinoy.
Droga/ Ipinagbabawal na gamot
Opinyon: Walang maidudulot na maganda ang paggamit ng droga.
A. Nakakabutas ng utak ang droga.
B. Apektado rin ang relasyon mo sa ibang tao kapag gumamit ka ng droga.
C. Kamatayan na lang ang naghihintay sa’yo kapag ika’y nalulong sa droga.
No comments:
Post a Comment