Thursday, December 2, 2010

Pagpipinsan

I. Tularan natin si Manny Pacquiao.

A. Ituloy ang laban ni Mayweather at ni Pacquiao. – Lean Ines (http://angblogkotalaga.blogspot.com/)

1. Dapat bantayan ang mga opisyal ng gobyerno.

2. Praktikal lamang ang pre-marital sex at kailangan ng sex education ng kabataan.

II. Dapat pagtuunan ng pansin ang edukasyon.

A. Hasain muna ang mga guro sa pagtuturo bago sila payangang gawin ang kanilang propesyon. – Alfonso Inocencio (http://blackjack19.tumblr.com/)

1. Magsanay ng tama.

2. Alamin at aralin kung pa’no ipagtanggol ang sarili.

III. Masyading nakikialam ang Simbahan sa mga batas na nais ipatupad ng gobyerno.

A. Hindi dapat payagan ng Simbahan at ng pamahalaan ang same sex marriage. – Edlyn Santos (http://spoiledhappiness.tumblr.com/)

1. Hindi dapat nagpapatattoo ang mga babae.

2. Hindi dapat gawing libangan ang pagsusugal.

IV. Dapat matuto na tayo sa mga sakunang naganap sa’ting bansa.

A. Ipasa ang mga programang makakatulong sa mga mamamayan. (http://blogniewol.wordpress.com/)

1. Bigyan ng kalayaan ang mga hindi tanggap sa lipunan.

2. Bantayan ang mga transaksyon sa gobyerno.

V. Masayang mag-aral sa UP.

A. Ang pag-aaral, paaralan, at estudyante ay lagging pinahahalagahan. (http://jcs23-myfirstblog.blogspot.com/) Reference: http://panpil19.blogspot.com/?zx=6960a6fcb8e9f4de

1. Magplano muna bago umaksyon.

2. Hindi inuubas ang pera at oras.

VI. Mahirap magsulat. Kagaya nito.

A. Subukan natin palagi, kung masaya WHY NOT! (http://jcs23-myfirstblog.blogspot.com/) Reference: http://panpil19.blogspot.com/?zx=6960a6fcb8e9f4de

1. Ipatupad ang may magandang epekto at ipatigil ang mga nakasasama.

2. Bawal kalimutan ang dapat!

VII. Dapat tayong maging South Korea.

A. Gumawa ng mga bagay na ikauunlad ng Pilipinas. - Joanna Oliquino (http://jeromebernardino.wordpress.com/)

1. Labanan ang kolonyalismo.

2. Intindihin mo ang katwiran ng iba.

VIII. Ang kompyuter ay isang kaaway na mahirap labanan.

A. Gamitin ang teknolohiya upang maging kaaya-aya at madali ang proseso ng pag-aaral. Ngunit huwag isasantabi ang aklat, sulatin, at panitikan. – Alfonso Inocencio (http://blackjack19.tumblr.com/)

1. Maging makabayan.

2. Pangalagaan ang kalusugan.

Wednesday, December 1, 2010

Ancestry

I. Tularan natin si Manny Pacquiao.

“When life knocks you down you have two choices- stay down or get up.” – Tom Krause

Biograpiya:

Si Tom Krause ay ipinanganak noong ika-5 ng Hulyo, 1934 sa Helsinki, Finland. Siya ay nag-aral ng musika sa Vienna Music Academy at sa Berlin. Siya rin ay ginawaran ng Harriet Cohen Bach Prize para sa kaniyang pagkanta sa Briatin’s War Requiem sa London.

Ibang Ideya:

Kung alam mo lang gawin ang mga gawaing alam mo na gawin, wala ka masyadong nagagawa.

Walang kabiguan- mga karanasan lang at ang reaksyon mo sa kanila.

II. Dapat pagtuunan ang edukasyon.

The critic has to educate the public; the artist has to educate the critic. – Oscar Wilde

Biograpiya:

Si Oscar Wilde ay ipinanganak noong 1854 at namatay noong 1900. Siya ay isang manunulat na Irish at isa sa kaniyang mga gawa ay ang The Picture of Dorian Gray.

Ibang Ideya:

Simple lang ang aking panlasa. Kunteto na ako sa pinakamaganda.

Maaaring paniwalaan ng tao ang imposible, pero hindi ang malayong mangyari.

III. Masyadong nakikialam ang Simbahan sa mga batas na nais ipatupad ng gobyerno.

No religion is a true religion that does not make men tingle to their fingertips with a sense of infinite hazard. – William Ernest Hocking

Biograpiya:

Si William Ernest Hocking ay ipinanganak noong ika-1 ng Agosto, 1873 at namatay noong ika-12 ng Hunyo, 1966. Siya ay isang Amerikanong pilosopo.

Ibang Ideya:

Ang tao ay kasintanda ng kaniyang trabaho. Kung patuloy siyang pinauunlad ng kaniyang trabaho, hahanap-hanapin niya ito.

Tao lang ang tanging hayop na tumatanggap at masugid na pinag-aaralan ang kamatayan, at ang tanging hayop rin na nagtataka ukol sa kamatayan.

IV. Dapat matuto na tayo sa mga sakunang naganap sa’ting bansa.

Learn from yesterday, live for today, hope for tomorrow. The important thing is not to stop questioning. – Albert Einstein

Biograpiya:

Si Albert Einstein ay ipinanganak noong ika-14 ng Marso, 1879at namatay noong ika-18 ng Abril, 1955. Siya ay nakatanggap ng Nobel Peace Prize in Physics noong 1921. Ang ilan sa kaniyang mga gawa ay ang Special Theory of Relativity at ang General Theory of Relativity.

Ibang Ideya:

Pilay ang agham kung walang relihiyon; samantalang bulag naman ang relihiyon kung walang agham. Ang buhay na nakatuon sa pagtulong sa kapwa ay buhay na maganda.

V. Masayang mag-aral sa UP.

“Being happy is something you have to learn. I often surprise myself by saying "Wow, this is it. I guess I'm happy. I got a home I love. A career that I love. I'm even feeling more and more at peace with myself." If there's something else to happiness, let me know. I'm ambitious for that, too.” – Harrison Ford

Biograpiya:

Si Harrison Ford ay isang Amerikanong actor na ipinanganak noong ika-13 ng Hulyo 1942. Ang ilan sa mga parangal na kaniyang natanggap ay ang Oscar at ang Golden Globe Awards.

Ibang Ideya:

Kailangan mong magkaroon ng dilim para magkaroon ng liwanag.

Para ka nang nagsisinungaling kapag inulit mo na ng pangatlong beses ang isang bagay.

VI. Mahirap magsulat. Kagaya nito.

“We all had various experience in our high school papers or with writing or in public relations, but none of us had ever started something like this from scratch.” – Michael Parker

Biograpiya:

Si Michael Parker ang Group Chief Executive ng BNFL. Siya ay ipinanganak sa Liverpool, at nakatanggap ng Bachelor’s Degree in Chemical Engineering galling sa Unibersidad ng Manchester.

Ibang Ideya:

Ayos lang matalo basta ibinigay mo ang lahat ng iyong makakaya.

Nasa huli ang pagsisisi.

VII. Dapat tayong maging South Korea.

Advancement only comes with habitually doing more than you are asked.” – Gary Ryan Blair

Biograpiya:

Siya ay tinaguriang “Goals Guy,” at siya ay sikat dahil sa kaniyang mga istratehiya para sa goal-setting. Bukod dito, pesidente siya ng kompanyang tinatawag na GoalsGuy Learning Systems.

Ibang Ideya:

Pagtuunan ng pansin ang hinaharap.

Kasinghalaga lang ng pag-aaral ang paglimot.

VIII. Ang Kompyuter ay isang kaaway na mahirap labanan.

“Absent these fundamentals of public health preparedness, no computer model will help us.” – Dr. David L. Katz

Biograpiya:

Si Dr. David L. Katz MD, MPH, FACP, FACPM, ay isang kilalang-kilalang awtoridad pagdating sa nutrisyon, weight control, at chronic disease. Siya rin ay nadidirek sa Prevention Research Center ng Unibersidad ng Yale.

Ibang Ideya:

Para hindi ka magka-hangover, mag-abstain ka.

Nakaka-overdose ang pag-inom ng maraming gamot, o ‘di kaya’y kapag ang gamot ay nainom ng maling tao.

Mga Pinagbasehan:

http://thinkexist.com/quotation/courage-is-the-discovery-that-you-may-not-win-and/763353.html

http://www.bach-cantatas.com/Bio/Krause-Tom.htm

http://thinkexist.com/quotation/the_critic_has_to_educate_the_public-the_artist/255800.html

http://www.online-literature.com/wilde/

http://www.quotegarden.com/religion.html

http://www.bookrags.com/biography/william-ernest-hocking/

http://thinkexist.com/quotes/william_ernest_hocking/

http://thinkexist.com/quotation/learn_the_past-watch_the_present-and_create_the/13794.html

http://nobelprize.org/nobel_prizes/physics/laureates/1921/einstein-bio.html

http://thinkexist.com/quotes/albert_einstein/

http://thinkexist.com/quotes/harrison_ford/

http://www.talktalk.co.uk/entertainment/film/biography/artist/harrison-ford/biography/37

http://thinkexist.com/quotes/michael_parker/

http://www.world-nuclear.org/sym/2005/parkerbio.htm

http://www.mymotivator.com/authorinfo.asp?authorid=21&back=no

http://thinkexist.com/quotes/gary_ryan_blair/

http://thinkexist.com/quotes/dr._david_l._katz/

http://www.oprah.com/health/Biography-of-Dr-David-Katz

Sunday, November 21, 2010

Pagsusuri sa papel ni AJ Velarde

I. Pag-uuri

A. Pop Culture

1. Hangga’t maaari’y ‘wag na sanang i-advertise ang K-Pop.

2. Ibalik sana sa TV ang mga klasikong anime ‘tulad ng Ghost Fighter at Flame of Recca.

3. Dapat tanggalin ang mga import sa PBA.

4. Overrated na ang Starbucks.

5. Isa pang overrated ang DSLR camera.

6. Hindi dapat pinahihintulutan ang pagiging jejemon.

7. Pabayaan na lang sana ang pagdidiskrimina sa Friendster.

8. Dapat alisin na ang bias sa mga taong may tato.

9. Crocs ay isang walang kwentang footgear.

10. Masarap kumain sa Mang Inasal.

11. Isa lamang panandaliang bagay ang Ako Mismo Dogtag.

12. Beer ng Pilipinas ang Red Horse Beer.

B. Sex

1. Isang magandang imbensyon ng tao ang pekpek shorts.

C. Kasalukuyang kaganapan

1. Dapat mahigpit na ipatupad ang pagkakaroon ng sensor ng mga kotse.

2. Dapat i-relocate ang mga illegal settlers.

3. Huwag nang ituloy ang pagpapatupad ng dagdag na buwis para sa yosi’t alcohol.

4. Sana magtagal pa ang mga laban ni Pacquiao kahit ang mga ito’y patapos na.

5. Dapat ipagbawal na ang pag-aayos ng kalsada tuwing eleksyon.

6. Isa sa mga magagandang proyekto ng gobyerno ang LRT extension project.

7. ‘Di na datpat makialam ang Simbahan sa RH Bill.

D. Tradisyon

1. Isang mahalagang tradisyon ang Pasko sa Pilipinas.

E. UP Life

1. Dapat masusing pag-aralan at ayusin ang sistema ng CRS.

2. Maganda sana kung pagtgtutuunan ng pansin ng UP Men’s Basketball Team ang kanilang pag-eensayo.

II. Pagsalungat

A. Ang ibang import sa PBA ay Filipino citizens kaya mahirap nang tanggalin lahat ng manlalarong import.

III. Keywords

A. Anti-Overrated

B. Pekpek shorts

C. Maka-Pilipino

D. Pasko

E. Maka-UP

IV. Ang 8 Utos ni AJ Velarde

A. Dapat nating ipagmalaki at ipaglaban an gating pagka-Pilipino.

B. Dapat hindi lang utak mayroon ang mga taga-UP kundi katawan din.

C. Huwag tangkilikin ang mga bagay na overrated.

D. Sulitin ang pera, bumili ng mura.

E. Dapat tayong uminom ng alak at magyosi.

F. Pantay-pantay dapat ang lahat sa paningin ng isang indibidwal.

G. Pahalagahan ang mga tradisyon n gating lahi.

H. Ipagpatuloy ang pagsusuot ng pekek shorts.


Pagsusuri sa papel ni: Aj Velarde

Ang kaniyang URL: xexacamma.tumblr.com


Thursday, November 18, 2010

Panitikang Pilipino 19

Uniporme sa UP

Opinyon: Nararapat lang na walang uniporme sa UP.

A. Pinahahalagahan ng unibersidad ang pagkakaroon ng kalayaan.

B. Nais ng UP na magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang mga mag-aaral nito.

C. Ang ibang mag-aaral ay walang pambili ng uniporme, masakit mang aminin.

Application process ng mga ORG sa UP

Opinyon: Sa ganitong paraan ka mas nakikilala ng organisasyong iyong nais salihan.

A. Dito tinitignan kung seryoso ka sa iyong ginagawa.

B. Makikita rin kung marunong kang maghawak ng oras.

C. Bukod sa mga ito, titignan din kung kakayanin mo ang bigat ng trabahong ipapatong sa iyong mga balikat.

Gupit ng Buhok sa UP

Opinyon: Dapat lang na walang “haircut rule” na sinusunod sa UP.

A. Matanda at may sariling isip na ang mga mag-aaral. Bagkus, alam na nila kung ano’ng bagay para sa kanila.

B. Para sa marami, ang ayos ng buhok ay nagpapakita ng pagkatao ng isang indibidwal.

C. Minsan, kasama sa relihiyon ang ayos ng buhok.

Mga Batang Kalye sa UP

Opinyon: Kailangan na silang paalisin dahil nakakagulo na sila.

A. Nakakainis na dahil hingi sila ng hingi.

B. Kapag lumapit sa’yo ang isa, asahan mong lalapit na lahat.

C. Hindi lang nila basta hinihingi ang bagay na gusto nila, dinudutdot din kadalasan.

UP Library

Opinyon: Dapat nang ipaayos at linisin ang silid-aklatan ng UP.

A. Napakarami nang sapot ng gagamba.

B. Nakakabahing na ang kapal ng alikabok sa mga libro.

C. Wala pang kuryente sa Main Library.

Mga Mag-aaral sa UP

Opinyon: Kakaiba at nakakatuwa ang mga mag-aaral sa UP.

A. Kapag pumapasok ang mga taga-UP, karamiha’y naka-pambahay lang.

B. Wala silang pakialam sa estilo mo ng pamumuhay.

C. Hanggang sa dyip, nag-aaral pa rin sila.

Manny Pacquiao

Opinyon: Marami na siyang natulungan gamit ang kanyang kayamanan.

A. Nagpatayo siya ng ospital sa Gen. San.

B. Mayroon na siyang foundation para sa mga mahihirap.

C. Binigyan niya ng Fortuner ang mahirap niyang ama.

Edukasyon sa Pilipinas

Opinyon: Ito ang dapat unahing paunlarin ng gobyerno.

A. Sa Edukasyon nakasalalay ang pag-usad ng buhay ng isang tao.

B. Sa pamamagitan ng edukasyon malalaman ng isang indibidwal ang tama at mali.

C. Kung ang lahat ay edukado, madaling uusad ang bansa sapagkat alam na ng karamihan kung ano ang kailangan ng bansa para tuluyang umunlad.

People Power

Opinyon: Ang People Power ay isang maganda at lehitimong ahente ng pagbabago sa ating bansa.

A. Suportado ng “sovereignty” ang People Power.

B. Dito nagkaisa ang buong Pilipinas upang tutulan ang naghaharing kasamaan.

C. Ang People Power ay binuo upang labanan ang pagiging abusado ng mga nakatataas at ang korupsyon.

Hostage Taking

Opinyon: Malaki ang nagging epekto nito sa pulitikal na sektor at turismo ng Pilipinas.

A. Napakitang hindi handa ang ating mga awtoridad sa panahon ng matinding sakuna.

B. Bababa ang turismo ng Pilipinas dahil sa takot ng mga turistang ma-hostage rin.

C. Nilagay ng Hong Kong ang Pilipinas sa kanilang “Black list.”

South Korea

Opinyon: Ito na ang isa sa mga pinakamaunlad na bansa sa Asya ngayon.

A. Moderno at sadyang napakaganda na ng Seoul.

B. Mataas at balance ang kanilang ekonomiya.

C. Tinagurian na itong isang “First World Country.”

12 Years Elementary at High School

Opinyon: Pabor ako sa 12 years na elementarya’t haiskul.

A. Hindi na mahihirapang humanap ng trabaho sa ibang bansa ang mga Pinoy.

B. Basta baguhin nila ang curriculum, sang-ayon ako.

C. Alam na ng isang indibidwal ang kanyang tatahaking landas sa buhay pagkatapos ng haiskul.

Katapusan ng Mundo sa 2012

Opinyon: Sa aking palagay magugunaw na talaga ang mundo pagpatak ng 2012.

A. Aktibo ang mga bulkan sa “Ring of Fire.”

B. Natutunaw na ang yelo sa Antartika dahil sa global warming.

C. Napakaraming giyera’t rayot ang nagaganap sa iba’t ibang sulok ng mundo.

Pilipinas Bilang Gambling Capital of the World

Opinyon: Sa nakikita ko ngayon, maaari nang tawaging gambling capital of the world ang Pinas.

A. Kahit saan, ultimo sa masisikip na eskinita, nagsusugal ang mga tao.

B. Nariyan din ang Jueteng.

C. Kung bawal magsugal, bakit mayroong PAGCOR?

Ondoy

Opinyon: Ang Ondoy ay isang senyales na nagsasabing dapat nang magbagong buhay ang mga tao.

A. Hindi na dapat magtapon ng basura kung saan-saan.

B. Magtanim ng mga puno upang maibsan ang pagbabaha at ang mga landslide.

C. Pahalagahan at magpasalamat para sa kung ano mayroon ka ngayon.

Reproductive Health Bill

Opinyon: Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng RH Bill.

A. Wala nang makain ang karamihan sa mga tao sa Pilipinas, kaya dapat lang na magkaroon na ng birth control.

B. Overpopulated na ang Pilipinas.

C. Hindi naman lumalabag sa anumang batas ang RH Bill; nais lamang nitong disiplinahin ang mga tao.

Kompyuter: Kaibigan o Kaaway?

Opinyon: Napapabayaan na ng mga bata ang kanilang pag-aaral dahil sa kompyuter.

A. Sa halip na pumasok, nagbababad sa internet café ang mga bata.

B. Hindi na marinong magsulat ang kabataan, dahil ang alam na lang ay mag copy-paste at kumopya ng gawa ng iba.

C. Batay sa isang pagsusuring ginawa, hindi na gumagana ng tama ang utak ng mga batang adik sa kompyuter.

Rabies

Opinyon: Dapat alisin ang mga aso sa kalsada.

A. Maraming nakakagat na taong dumadaan.

B. Nagiging banyo ang kalsada.

C. Mahal na ang anti-rabies.

Facebook

Opinyon: Magandang lugar ito kung nais mong i-market ang iyong sarili.

A. Napakaraming tao-kakilala man o hindi- ang nakakakita sa’yo.

B. Madaling i-access ang Facebook.

C. Maaaring magpost ng kahit ano- maging video man o larawan.

Pagsusulat

Opinyon: Mahirap ang pagsusulat.

A. Kailangang makuha mo ang atensyon ng mambabasa sa pamamagitan lamang ng paggamit ng mga salita.

B. Piling-pili ang mga salitang dapat mong gamitin kung gusto mong hindi tamarin ang iyong mambabasa.

C. Dapat malinaw ang iyong mensahe.

Katabaan

Opinyon: madali lang labanan ang katabaan.

A. Kaunti lang ang kainin sa gabi.

B. Iwasan ang pagkain ng sitsirya.

C. Mag-ehersisyo araw-araw.

Simbahang Katoliko

Opinyon: Masyadong “overacting” ang Simbahan sa isyu ng pagpapatupad sa RH Bill.

A. Gusto nitong ekskomunikahin si Noynoy.

B. Nais rin nitong ekskomunikahin ang isa pang taong nakakulong ngayon dahil sa pagsang-ayon sa RH Bill.

C. Hindi nakikita ng Simbahan kung gaano kalaking tulong ang RH Bill para sa mga naghihirap na Pinoy.

Droga/ Ipinagbabawal na gamot

Opinyon: Walang maidudulot na maganda ang paggamit ng droga.

A. Nakakabutas ng utak ang droga.

B. Apektado rin ang relasyon mo sa ibang tao kapag gumamit ka ng droga.

C. Kamatayan na lang ang naghihintay sa’yo kapag ika’y nalulong sa droga.